Pumalo na sa halos 7-M Pilipino o nasa 2% pa lamang ng kabuuuang populasyon ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa buong bansa.
Ito ang inihayag ni treatment czar at Health Usec. Leopoldo Vega na nagsabing malayo pa ang tatahakin ng bansa bago nito tuluyang maabot ang population protection sa virus.
Gayunman, naniniwala si Vega na tataas din ang bilang ng mga magpapabakuna dahil darating na ang bultu-bultong bakunang donasyon at binili ng Pilipinas.
Kahapon, dumating na sa bansa ang karagdagang suplay ng bakunang Sinovac mula China at may paparating pa na iba pang bakuna tulad ng Moderna, AstraZeneca at Sputnik V.