Mahigit 1, 900 police officers sa Metro Manila ang inaasahang makakaboto sa Local Absentee Voting ngayong linggo.
Kasunod ito ng nalalapit na pagdaraos ng Halalan 2022 kung saan pinaplano ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagde-deploy ng 4k personnel.
Ayon kay NCRPO Director Major General Felipe Natividad, sa bilang na halos 2K, 203 Pulis ay mula sa Regional Headquarters, 116 mula sa Northern Police District, 143 mula sa Eastern Police District, 113 sa Manila Police District, 332 sa Southern Police District at 442 mula sa Quezon City Police District.
Sa Support Units, 23 absentee voters ay mula sa Police Security and Protection Group, 30 sa Air Unit, 76 sa Aviation Security Group, 22 sa Regional Maritime Unit Maritime, 19 sa Special Operations Units, 374 sa Special Action Force, 9 sa Regional Internal Affairs Service at 3 mula sa Regional Field Unit.
Anim na voting centers ang naka-assign sa Metro Manila Police Personnel kabilang ang Camp Crame sa Quezon City.