Pumalo na sa higit 1,000 mga Pinoy mula iba’t-ibang bansa ang nagbalik bansa, kahapon, 4 ng Hunyo.
Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), kabuuang 1,389 na mga overseas Pinoy ang nagbalik bansa dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Sa naturang bilang, 353 na mga OFW dito ay nanggaling sa Saudi Arabia na pawang mga nagtatrabaho sa isang construction company.
Kabilang din dito ang 852 na mga Pinoy seafarers na nagtatrabaho sa iba’t-ibang mga kumpanya abroad.
At, ang 184 na mga Pinoy na nag-avail ng amnesty ng Kuwaiti government.
Kasunod nito, sasailalim sa mandatory 14-day quarantine ang lahat ng mga Pinoy na nagbalik bansa para masigurong hindi ito nadapuan ng COVID-19.