Mahigit isandaang driving school ang sinuspinde ng Land Transportation Office sa nakalipas na dalawang linggo dahil sa samu’t saring paglabag.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary VIgor Mendoza II, lumabag ang mga ito sa hindi pagpapakita o hindi pagsunod sa tamang teoryatikal na pagsasanay sa pagmamaneho.
Karamihan sa mga sinuspinde ay sa Central Luzon, Calabarzon, at Metro Manila.
Dahil dito, pinagpapaliwanag ng ahensya ang mga driving school upang marinig ang kanilang panig.
Samantala, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na makikipagpulong ang kanilang ahensya sa mga concerned groups ngayong linggo upang talakayin ang mga rekomendasyon ukol sa kaligtasan sa kalsada.