Desidido ang Department of Agriculture na mapapakinabangan ng labing apat na milyong Pilipino ang 20 pesos per kilo rice program pagsapit ng Setyembre.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Junior, ilalarga sa mga probinsya sa Mindanao ang second phase ng pagbebenta ng murang bigas.
Kabilang dito sa Zamboanga Del Norte, Basilan, Cotabato City, Tawi Tawi, Maguindanao Del Sur, Davao Oriental, Sorsogon, at Maguindanao Del Norte.
Habang sisimulan naman sa Setyembre ang third phase sa Sultan Kudarat, Lanao Del Norte, Catanduanes, Agusan Del Sur, Sarangani, at Dinagat Islands.
Sa ngayon, nirerepaso pa ng D.A. ang ilang mga opsyon para mapanatili ang programa hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa 2028, na posibleng pakinabangan ng hanggang labing limang milyong pamilya o o katumbas ng 60 milyong mga Pilipino.