Sinertipikahan bilang urgent ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., ang Maharlika Investment Fund Bill.
Ito’y upang madaliin ang pagpasa sa Maharlika Fund sa senado na hindi na kailangang dumaan pa sa 3-day rule.
Nais ng pangulo na maisabatas ito bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address sa Hulyo.
Target naman ng senado na aprubahan ang Maharlika Investment Fund Bill sa susunod na linggo.
Sinabi ng Department of Finance na ang panukalang batas ang magiging kauna-unahang sovereign investment fund ng bansa na layong isulong ang pag-angat ng ekonomiya at pag-unlad ng Pilipinas.