Nagbabala ang mga doktor na ang lumalaking tiyan ay hindi laging dulot ng taba, kabag, o problema sa pagtunaw.
Dahil maaari rin itong senyales ng abdominal aortic aneurysm, na isang kondisyon kung saan lumolobo ang pangunahing ugat sa tiyan na nagdadala ng dugo sa ibabang bahagi ng katawan.
Ayon sa Philippine Heart Association, kadalasang tahimik ang pag-develop ng aneurysm at madalas lang natutuklasan kapag malaki na o pumutok na ito.
Mas mataas din ang panganib ng sakit na ito sa mga lalaking lampas animnapung taong gulang, mga naninigarilyo, may altapresyon, mataas na kolesterol, o may kasaysayan ng aneurysm sa pamilya.
Kaya’t payo ng mga doktor na magpatingin agad kung may kakaibang paglaki ng tiyan na may kasamang sakit, umiwas sa paninigarilyo, at panatilihing mababa ang bad cholesterol na maaaring mauwi sa atake sa puso o stroke.




