Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulartory Board ang ulat ng Commission on Audit na isang porsyento lamang ng pondo ng service contracting program ang kanilang ginamit.
Ayon sa LTFRB, agad ipinatupad ang naturang programa para sa pagbibigay ng insentibo sa mga PUV Driver na pinayagang mag-operate kahit pandemic, matapos ang pag-download ng ahensya sa aktuwal na pondo noon lamang Nobyembre 2020.
Batay sa ulat ng COA, 59 million pesos lamang ang nagamit ng ahensya sa 5.5 billion pesos ng service contracting program.
Ipinunto ng LTFRB na nagkaroon sila ng kasunduan sa Landbank of the Philippines na nilagdaan noong Disyembre 2020 kung saan ang LBP ang magkakaloob ng benepisyo sa pamamagitan ng bank accounts at e-money o e-wallet.
Nakatanggap na ng 4,000 pesos ang nasa 23,000 drivers sa buong bansa habang 8,461 driver ang nabigyan ng 25,000 peso one-time on-boarding incentives at 20,000 peso one-time on-boarding incentives.
Hinihintay pa ng LTFRB ang ilalabas ng Department of Budget and Management na natitirang 3.3 billion pesos sa pondo.—sa panulat ni Drew Nacino