Umapela ng dagdag na vaccinators at encoders para sa National Vaccination Day o “Bayanihan, Bakunahan” ang League of Provinces of the Philippines (LPP).
Ayon kay LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. Humiling na sila sa DOH maging sa pribadong sektor para bigyan sila ng karagdagang volunteers para sa mga lokal na pamahalaan para sa 3-Day Vaccination Drive.
Ito aniya ay para makatulong na maabot ang target na 5 million jabs per day o sa kabuuan ay 15 million jabs.
Sa November 29 hanggang December 1 ilulunsad ang National Vaccination Day o ang “Bayanihan, Bakunahan”