Nagpulong kahapon ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) matapos ang naganap na rigodon sa Senado.
Dinaluhan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang pulong na nagbigay naman ng mensahe sa kaniyang mga kapartido.
Ayon kay LP Secretary-General at Quezon City 6th District Representative Christopher “Kit” Belmonte, nais ni Pangulong Aquino na maging “constructive, supportive at helpful” sa administrasyon ang kanilang partido.”
Inihayag din anya ng dating pangulo na panahon na upang magsalita at manindigan ang mga taga-LP sa ilang usapin nang hindi isinusuko ang kanilang prinsipyo.
Samantala, suportado ni Aquino ang ilalabas na pahayag ng Pangulo ng partido na si Senador Francis Pangilinan.
By Drew Nacino