Nanindigan ang Liberal Party o LP na kanilang haharangin ang impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Kamara.
Pursigido ang mga LP congressmen na matalakay nang masinsinan ang impeachment case na inihain laban kay Sereno.
Kabilang sa mga mambabatas na nasa nagsusulong sa mas malalim na pagtalakay sa reklamo ay sina Representatives Arlene Bag-ao, Kit Belmonte, Edcel Lagman at Carlos Isagani Zarate ng Bayan Muna Party-list pero hindi naman miyembro ng LP.
Nanawagan ang mga nasabing mambabatas kay House Committee on Justice Chairman Rey Umali na bigyan pa ng panahon ang mga mambabatas para busisiin nang maigi ang impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon.
Samantala, inihirit naman ni Gadon kay Sereno na lumagda ng bank secrecy waiver para ipakitang wala siyang itinatagong yaman.