Idinepensa ng aktres na si Liza Soberano ang sarili at ang ka-love team na si Enriquel Gil mula sa mga batikos ng ilang mga netizens na hindi bagay sa kanila ang role sa kanilang bagong ‘fantaserye’ na Bagani.
Ilang mga netizen kasi ang nagsabi na hindi naman purong Filipino ang dalawa para gumanap sa karakter na nagpo-portray sa mga Filipino bago ang pananakop ng mga Kastila.
Binanggit din ng ilang netizens pagpipilit lang umano na lagyan ng tan si Enrique para mangmukhang kayumanggi.
Sa isang tweet naman, sinagot ni Liza ang isang netizen na nagsabing hindi siya Pinoy.
Aniya, ang kanyang ama ay buong Filipino at pinalaki siya ng dalawang Filipino simula noong siya ay apat na taon pa lang.
Sa katunayan aniya ay paborito niya ang sinigang.
Ang ina ni Liza ay isang Amerikana habang si Enrique naman ay may lahing German at Spanish.
—-