Target ng Commission on Elections na ilabas ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa 2022 elections sa kalagitanaan ng Oktubre.
Ito ang inihayag ni COMELEC Chairman Sheriff Abas kasabay ng unang araw ng paghahain ng Certificate Of Candidacy.
Gayunman, nilinaw ni Abas na hindi otomatikong mapapabilang sa listahan ang lahat ng maghahain ng kandidatura.
Sasalain pa anya ito ng kanilang law department upang matukoy kung sino ang kwalipikado o diskwalipikado at nuisance candidates.
Magsisimula ang COC filing ngayong araw hanggang Oktubre 8.—sa panulat ni Drew Nacino