Iginiit ni Senador Imee Marcos na matagal na dapat isinailalim sa lifestyle check ang mga nanunungkulan sa pamahalaan.
Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lifestyle check sa ilang kawani ng pamahalaan, sa gitna ng imbestigasyon sa maanumalyang flood control projects.
Ayon kay Senador Marcos, nakakagulat ang nilalaman ng social media account ng mga kawani ng pamahalaan kung saan pinagmamalaki aniya ng mga ito ang mga mamahaling sasakyan, at iba pang mga ari-arian.
Binigyang-diin ng senador na dapat manguna silang mga mambabatas sa pagpapa-lifestyle check bilang pagpapakita ng pagiging ehemplo.
Dagdag pa ng mambabatas, dapat masundan ng imbestigasyon at makasuhan ang mga opisyal na hindi maipaliwanag ang yaman.