Isinailalim na sa state of calamity ang Legazpi City, Albay dahil sa nakaalarmang pagtaas ng kaso ng rabies sa lugar.
Sa tala ng lokal na pamahalaan, higit sa 2,000 katao na ang nakagat ng aso sa nakalipas na 6 na buwan at 5 na sa mga ito ang nasawi na dahil sa rabies.
Doble ito ng bilang sa naitalang kaso ng rabies sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Dahil dito, kumikilos na ang lokal na pamahalaan upang mabakunahan ang mga aso sa lugar.
By Rianne Briones