Nakatakdang magsagawa ng cloud seeding activities ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) upang mapataas ang water level sa Angat Dam, Bulacan, simula sa Marso.
Inihayag ni Engineer Patrick Dizon, Division Manager ng MWSS na batay sa rekomendasyon ng pagasa, ngayon ang magandang panahon upang makapag-cloud seed dahil medyo maulap sa paligid ng dam.
Sa datos ng National Water Resources Board, bahagyang tumaas sa 195.78 meters ang water level sa dam kahapon kumpara sa 195.36 meters noong Martes.
Gayunman, mababa pa rin ito at malayo sa ideal na 212 meters.