Pagnanakaw gone wrong! Talaga nga namang hindi nagtatagumpay ang mga taong may masamang pinaplano. Katulad na lang ng lalaking ito mula sa Brazil na magnanakaw sana, pero agad-agad na kinarma.
Kung ano kinahinatnan ng kawatan, eto.
Sa isang video, makikita ang dalawang lalaki na naglalambitin sa isang cell tower sa Manaus, Brazil. Sa unang tingin ay aakalain na nagwa-wall climbing lang ang mga ito pero ang totoo, isa itong rescue operation para sa isang kawatan.
Tirik na tirik pa ang araw nang akyatin ng lalaki ang nasabing tower para sana magnakaw ng mga kable at ibenta ang mga copper nito.
Pero matapos nitong akyatin ang tower na may taas na 40 ft., hindi na ito nakababa.
Kung kaya ang mga rumespondeng pulis na nakatanggap ng report na nagsasabing mayroong kahina-hinalang lalaki sa tower ay humingi na ng tulong sa mga bumbero para maibaba ang kawatan.
Ayon sa mga bumbero, noong una ay hindi raw pumayag ang lalaki na sumama sa mga bumbero pero sa huli ay pumayag din ito na magpa-rescue matapos kausapin ng mga opisyal.
Samantala, ligtas namang naibaba ang lalaki at agad na pinosasan ng mga pulis at idineretso sa presinto.
Sa mga may binabalak na masama diyan, isip-isip muna lalo na at digital na ngayon ang karma.