Sisimulan na sa unang kwarter ng 2023 ang unang yugto ng pagtatayo ng Pambansang Pabahay Program sa ilalim ng Administrasyong Marcos.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development, ilang Local Government Units na ang nakakumpleto ng kinakailangang dokumento at legal na pangangailangan para sa programang pabahay sa kanilang lokalidad.
Dahil dito, tiwala si DHSUD secretary Jose Rizalino Acuzar na masisimulan na ang proyekto sa mga susunod na buwan.
Nabatid na maaaring tumagal hanggang dalawang taon ang pagtatayo ng mga mid- at high-rise housing building.
Sa pinakahuling datos ng DHSUD, may 47 ng LGU sa Luzon, Visayas at Mindanao ang lumagda sa ng Memorandum of Understanding para sa nabanggit na programa.