Itinutulak ng Kongreso ang total ban o ipagbawal na ang lahat ng mga online gambling sa bansa.
Ito’y dahil mas bumibigat na ang epekto nito lipunan kumpara sa anumang benepisyong pang-ekonomiya.
Ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, hindi matutumbasan ng kita mula sa online gambling ang pagkasira ng pamilya, pagkakulong sa sugal, at pagtaas ng krimen.
Kaugnay nito, naghain na rin ng House Bill No. 1351 o Kontra E-Sugal Bill sina Akbayan Party-List Representatives Chel Diokno, Perci Cendaña, at Dadah Ismula, na naglalayong i-regulate ang online gambling upang mabawasan ang mga kaso.