Inirekomenda ng Department of Education (DepEd) na ibalik ang klase sa mga lugar na nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal sa Pebrero 3.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, may mga lugar na hindi masyadong naapektuhan ng aktibidad ng bulkan.
Aniya, pwede nang ibalik ang klase sa mga lugar na ito.
Dagdag pa ng kalihim, ang mga estudyanteng nasa evacuation centers ay maaari naman i accommodate ng mga magbubukas na paaralan .
Samantala, nasa higit 1,000 paarala sa Region 4-A ang apektado ng suspensyon ng klase dahil sa pag aalburoto ng bulkan.