Aabot sa mahigit P1-bilyon ang posibleng mawala sa taunang kita ng pamahalaan ngayong ipinatupad na ang ban sa pag-aangkat ng mga e-cigarette product o vape.
Ito ang inihayag ni House Committee on Ways and Means chair Joey Salceda matapos ipag utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal pag-aangkat at paggamit ng vape at iba pang e-cigarette product sa mga pampublikong lugar.
Gayunman tiniyak ni Salceda na kanilang susundin ang nais mangyari ng pangulo.
Kasabay nito siniguro rin ng kongresista na hindi ito makakaapekto sa pondong ilalaan sa Universal Health Care Act dahil maaari naman umano itong mabawi sa makokolektang buwis sa alak.