Home NATIONAL NEWS 4 milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa mga paliparan sa Undas

Kawani ng Kamara na nagpositibo ng COVID-19 sumampa na sa 44

by DWIZ 882 August 16, 2020 0 comment
CONGRESS

Isa na namang empleyado ng House of Representatives ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, ito na ang ika-44 na kaso ng COVID-19 sa Kamara.

Aniya, huling pumasok sa Plenary Support Service ang kawani noong Agosto 3 hanggang 5 at nakasalamuha nito ang isa pang COVID positive mula sa Committee on Rules.

Nagpapatuloy ang contact tracing upang matukoy ang iba pang mga nakasalamuha ng naturang empleyado.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment