Pinuri ng isang mambabatas mula sa Mindanao ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapabilis sa rehabilitasyon ng Marawi sa Lanao del Sur.
Sa bisa ng Administrative Order (AO) 14, mabibigyan ng mandato ang mga ahensiya ng pamahalaan na makipagtulugan sa local government units (LGUs) upang matiyak ang pagtatapos ng mga aktibidad at proyekto sa Marawi City.
Para kay Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Adiong, strategic move ang kautusang ito ng Pangulo na magpapahusay at magpapabilis sa rebuilding process ng siyudad.
Ipinunto rin ni Rep. Adiong ang pagbibigay-diin ni Pangulong Marcos sa rasyonalisasyon ng mga tungkulin ng gobyerno. Aniya, alinsunod ito sa Philippine Development Plan 2023 to 2028 at sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng pamahalaan.
Dagdag pa ng mambabatas, nangako umano ang executive at legislative branches na magtutulungan upang masiguro ang efficient rehabilitation ng Marawi.
Matatandaang ipinawalang-bisa ng naturang kautusan ang AOs 3 at 9, series of 2017 na siyang bubuwag Task Force Bangon Marawi (TFBM) sa March 31, 2024.