Nagpasalamat ang on-screen and off-screen couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o kilala sa kanilang ship-name na “Kathniel” sa kanilang mga tagasuporta na 11 taon nang nakasubaybay.
Makikita sa instagram post ni Bernardo ang larawan nila ni Padilla na hawak ang isang cake na may disenyo ng kanilang animated characters habang tumutugtog sa background ang bersyon ni Padilla ng kantang Grow Old With You.
Una nang nagkatambalan sina Bernardo at Padilla noong 2011 sa youth-oriented series na Growing Up, na nasundan ng Princess and I, Pangako Sa’ yo at La Luna Sanggre.
Kaugnay nito, nagdiwang naman ng ika-sampung anibersaryo ang mag-nobyo noong mayo sa Thailand. —sa panulat ni Hannah Oledan