Tinutukan ng Centers for Health Development (CHD) at Regional Epidemiology and Surveillance Unites (RESU) ang mga ospital at evacuation centers kaugnay sa mga naitatalang waterborne diseases matapos ang paghagupit ng Bagyong Odette.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, biniberipika na ng DOH ang bilang ng mga pasyenteng kasalukuyang naka-admit sa mga health facilities dahil sa diarrhea.
Una nang inihayag ng Surigao Del Norte governor Francisco Matugas na pito ang nasawi at mahigit 100 ang naospital sa kanilang probinsya.—sa panulat ni Airiam Sancho