Patuloy na tumataas ang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Tuguegarao City, Cagayan.
Dahil dito, ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ang pansamantalang pagsuspinde sa relief operations sa lungsod na apektado ng kalamidad.
Napag-alaman na pumalo na sa 150 ang aktibong kaso sa naturang lungsod.