Kinumpirma mismo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na isasampa na sa korte sa susunod na linggo ang mga kaso laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
Kasunod ito ng pagsusumite ng mga counter-affidavit ng mga respondent.
Umaasa si Ombudsman Remulla na matatanggap na nila sa susunod na linggo ang mga counter-affidavit mula sa mga respondent.
Dahil dito, target ng opisina na sa Nobyembre a-onse ay masimulan na ang kanilang pagsasampa ng reklamo.
Kumpiyansa naman ang Office of the Ombudsman na mas marami pang reklamong may kinalaman sa maanomalyang flood control projects ang maisasampa sa kanilang tanggapan hanggang sa susunod na taon.
—Sa panulat ni John Riz Calata




