Binira ng ilang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pinalulutang na no-el o no election scenario ng Commission on Elections o COMELEC.
Sa harap ito ng pagharang ng Korte Suprema sa no bio, no boto policy ng poll body sa pamamagitan ng temporary restraining order o TRO.
Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon na siyang naghain ng petisyon sa High Tribunal kontra rito na hindi dapat nakadepende sa COMELEC ang pagdaraos ng eleksyon kundi dapat nakasalig sa konstitusyon.
Giit ni Ridon, sa halip na magbanta, dapat aniyang gumawa ng adjustment ang poll body para matiyak na matutuloy ang halalan at makaboboto ang mga taong saklaw ng TRO.
Dagdag pa ng mambabatas, ang kanilang ipinaglalaban ay ang mahigit 3 milyong botante na maaaring hindi makaboto dahil sa dagdag na rekesitos ng COMELEC.
By Jaymark Dagala