Nakakagulat umano ang biglang pag-arangkada ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ng political analyst na si Prof. Ramon Casiple na pang-apat lamang sa mga nakaraang survey si Duterte subalit bigla itong umakyat sa unang puwesto.
Ayon kay Casiple, bukod sa deklarasyon ni Duterte na tatakbo sa presidential elections ay wala namang ibang dramatic events na nangyari na posibleng naging ugat nito.
“Ang lumilitaw parehong yung questions leading in both survey, kasi nga commissioned eh, hindi makapag-assert itong dalawa ng kanilang sarili, kasi a commissioned survey is definitely determined by the one who commissioned it kasi pag ayaw niya syempre aalis siya sayo.” Pahayag ni Casiple.
***
Samantala, may nakikita ding mali ang ilang eksperto sa larangan ng pulitika sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS.
Ito’y makaraang isama ng SWS sa kanilang tanong ang pangalan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na siyang dahilan ng pangunguna nito.
Ayon kay Prof. Segundo Romero ng Ateneo de Manila University Development Studies Program, malinaw aniyang bias ang survey dahil naka-impluwensya rito ang paglalagay ng pangalan ng alkalde sa tanong.
Depensa naman ng SWS, hindi sila nagpapagamit sa sinumang pulitiko para pabanguhin ang kani-kanilang mga pangalan.
Ngunit para kay Prof. Romero, posibleng may sin of ommission dahil sa tila hindi ginamit sa survey ang aktuwal na bilang ng mga botante.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita | Jaymark Dagala