Dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho ang job fair na inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Mayo 1.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na umabot sa mahigit 2,600 ang kaagad na natanggap sa ikinasang “trabaho, negosyo, kabuhayan job and business fairs.”
Pinakamarami aniyang na-hire mula sa National Capital Region (NCR).