(Updated)
Patuloy na nakararanas ng aftershocks ang iba’t ibang isla ng Japan, matapos ang magnitude 7.3 na lindol kaninang madaling araw, sa bahagi ng Kumamoto.
Kabilang sa pinakamalakas na aftershocks na kanilang naitala ay ang magnitude 5.4 na tumama sa Southern Kyushu.
Patay sa magnitude 7.3 na lindol ang hindi bababa sa 7 katao, habang mahigit 470 ang sugatan.
Nagpapatuloy ang rescue operations para sa daan-daang iba pa na pinaniniwalaang na – trap sa mga guho.
Wala namang napaulat na naging pinsala ang naturang pagyanig sa tatlong nuclear plants sa Japan.
Matatandaang kahapon lamang nang tumama sa japan ang 6.4 magnitude na lindol na ikinasawi ng 9 katao matapos gumuho ang ilang gusali na ikinasugat din ng mahigit 700 katao.
By Ralph Obina | Katrina Valle