Nananatili sa 4,908 ang kumpirmado at hinihinalang kaso ng microcephaly sa Brazil na iniuugnay sa zika virus.
Ito ay base sa datos ng Health Ministry sa Brazil.
Ang zika virus na kumakalat sa pamamagitan ng lamok ay iniuugnay sa microcephaly na isang birth defect kung saan ipapanganak ang sanggol na maliit ang ulo.
By Meann Tanbio