Nagbabala ang OCTA research group sa publiko na iwasan muna ang mga pagtitipon o pagkain sa labas dahil sa banta ng pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant sa bansa.
Ayon pa kay Professor Ranjit Rye, mataas ang posibilidad na mahawahan ng virus kung kakain sa lalabas at dadalo sa nga pagtitipon, lalo na kung hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
Sinabi pa ni Dr. Guido David, na nasa 20% pa lamang ng populasyon ang nakakumpleto na ng bakuna at kailangan makaabot sa 40% hanggang 50% na mababakunahan para makamit ang population protection.
Target ng gobyerno na makapagbakuna ng hanggang 70 milyong indibidwal hanggang disyembre upang makamit ang herd immunity. — sa panulat ni Hya Ludivico