Tinutugunan na ng Department of Education ang isyu ng mental health ng mga mag-aaral at guro sa mga pampublikong paaralan.
Sa kabila ng kakulangan ng guidance counselors at mataas ang requirement para sa posisyon, ayon kay Education Secretary Sonny Angara, magtatatag ang DepEd ng mas mababang antas na posisyon partikular ang guidance counselor associates upang hindi manatiling bakante ang libo-libong posisyon sa mga paaralan.
Magbibigay rin ang kagawaran ng karagdagang pagsasanay sa mga guro para sa pagtugon sa mga problemang emosyonal at sikolohikal ng mga mag-aaral.