Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga inihaing reklamo laban sa dalawang dating matataas na opisyal ng Philippine Military Academy (PMA).
Ito’y makaraang ipagharap ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) sina dating PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista at dating commandant of cadets na si B/Gen. Bartolome Bacarro.
Ayon kay AFP Spokesman, Marine B/Gen. Edgard Arevalo, lahat naman aniya ng mga opisyal ay may pananagutan sa mga atas na ibinibigay sa kanila
Sakali mang mabigo silang gawin ang anumang ini-atas sa kanila, sinabi ni Arevalo na tungkulin nila, bilang mga sundalo na sagutin at panagutan ang mga kabiguang ito
Sa panig naman ng PMA, sinabi ng tagapagsalita nitong si Capt. Cherryl Tindog na labis nilang ikinalulungkot ang sinapit ng dalawa nilang dating pinuno subalit, ito aniya ang magbibigay daan para sa kanila na isailalim sa due process.
Tayo po ay medyo nalulungkot sa mga turn out po ng mga events particularly the high ranking officials or officers of the academy, ay talaga pong they have good track record in terms of serving our country in the operational level and we have known them to be really good officers and gentleman, we just hope for the best. Syempre, gusto din po natin na masunod kung ano po ang lahat na provided ng judicial practices po natin,” ani Tindog. — sa panayam ng Balitang 882.