Nabawi ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang isang panibagong mosque na pinagkukutaan ng Maute – ISIS group sa barangay Pangarungan , Marawi City.
Sinabi ni Joint Task Force Marawi Spokesperson Capt. Joan Petinglay na ang nasabing pagbawi sa Mosque ay bilang tugon sa panawagan na huwag magpadala sa propaganda ng mga terorista na pakakawalan na ang mga natitira pang bihag nito.
Ani Petinglay , mas lalo pa nilang hihigpitan ang kanilang operasyon upang matugis ang mga terorista lalo pa’t lumiliit na masyado ang lugar na ginalawan ng mga ito.
Dagdag pa ni Petinglay na ang nabawing Mosque ay ang lugar kung saan nangyari ang ilang kaso ng panggagahasa ng mga terorista sa mga bihag nitong babae upang hindi umano makalapit ang mga sundalo.