Posibleng maitala sa 1.9 hanggang 2.7 ang inflation rate ng Pilipinas ngayong Hunyo.
Batay ito sa naging pagtaya ng economic research department ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Anila, pangunahing magiging dahilan ng pagbilis sa inflation ang mataas na presyo ng gasolina, diesel at kerosene.
Gayundin ang pagtaas sa presyo ng bigas dahil sa sobra-sobrang suplay.
Maaari naman anilang bawiin ito ng mababang presyo ng LPG at singil sa kuryente ng Meralco sa nitong hunyo.
Magugunitang naitala sa 2.1 % ang inflation rate noong Mayo.