Inisa-isa ng testigo sa pagdinig ng Senado ang mga aktibidad ng pinagkakakitaan sa Bureau of Corrections (BuCor).
Humarap bilang testigo si dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos, isa sa mga testigo sa drug cases ni Senador Leila De Lima.
Kabilang anya sa money making activities sa bilibid ang pagpapasok ng mga bayarang babae na kung tawagin nila ay ‘tilapia’ para sa mga high profile inmates.
Ibinulgar ni dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos ang ilan pang katiwaliang nangyayari sa loob ng Bilibid.
Ragos: Sa loob ng maximum [building], maraming unusual transactions, regarding money making. For example ’tilapia’, nakakapagpaapasok sila diyan. pic.twitter.com/8cumW10Qy6
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 12, 2019
Sa loob rin anya ng bilibid, nagkakaroon ng pagpaplano ng kidnapping, 24-oras na sugalan sa isang gusali doon, ‘catering’ kung saan P800,000 kada buwan ang lagay sa BuCor director at ang S.O.P..
Hindi pa doon natapos ang pagbunyag ni Ragos sa katiwalian sa Bilibid. Ibinunyag din niya ang tinawag ni Sen. Lacson na virtual casino sa Bilibid.
Ragos: Meron silang, alam ko, may isang building doon na halos 24-hours ang sugalan nila doon.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 12, 2019