Naniniwala ang isang constitutional law expert na malabong mabaligtad pa ang desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang ‘unconstitutional’ sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Gayunman, sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Atty. Cecilio Duka na kailangan pa ring hintayin ang desisyon ng Supreme Court kaugnay sa mga inihain motion for reconsideration sa nasabing kaso.
Samantala, nilinaw ni Atty. Duka na wala sa mandato ng bise presidente na alamin ang kalagayan ng mga Pilipino sa ibayong dagat.
Malamig naman ang constitutional law expert hinggil sa mga patutsada ni V.P. Sara laban sa kasalukuyang administrasyon.