Nakatakdang sumailalim sa pagtatanong ng mga prosecutors ngayong linggo si South Korean President Park Geun-Hye.
Ito ay kaugnay ng political scandal na kinasasangkutan ni Park.
Ayon sa ulat ng Yonhap, iniimbestigahan ng mga prosecutors kung prinessure ni Park ang mga matataas na opisyal ng “chaebol” conglomerate na lumikom ng pondo para sa mga foundation ng kaibigan nito.
Matatandaang dumaan na sa pagtatanong ng mga prosecutor ang mga chairman ng Hyundai Motor at Korean Air Lines.
Plano na rin sumailalim sa pagtatanong ang De Facto Head ng Samsung Group at iba pang conglomerate chiefs kaugnay ng political scandal.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: EPA