Ibinida ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang bilang ng mga Barangay na nalinis na laban sa iligal na droga habang 14k namang barangay ang sinisikap na suyurin pa ng otoridad ayon kay DDB Chairman Catalino Cuy.
Dagdag ni Cuy malaki ang ginagampanang tungkulin ng lokal na pamahalaan sa pagsugpo ng iligal na droga.
Aniya bukod sa 20k barangay marami rin umanong mga Barangay ang gumanda ang estado ng mga kaso kaugnay sa bawal na gamot.
Ito aniya ay bunga ng sanib pwersang pagtutulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency , Philippine National Police at local governments.