Patuloy parin ang maaliwalas na panahon pero may pulo-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat o isolated rain showers sa bahagi ng Luzon.
Asahan parin ang maaliwalas na panahon sa Visayas at Mindanao maliban nalang sa mga isolated localized thunder storm.
Magiging mainit parin ang panahon ngayong araw partikular na sa Metro Manila kaya pinapayuhan ang publiko na panatilihin ang pagdala ng payong, palaging uminom ng tubig at kung hindi naman kailangan o mahalaga ang lakad ay huwag nang umalis ng bahay upang maiwasan ang heatstroke na kadalasang nararanasan sa pinakamainit na panahon.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26°C hanggang 35°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:52 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:08 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero