Nangangamba na ang ilang Koreano sa Pilipinas para sa kanilang mga kaanak sa South Korea bunsod ng outbreak ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-CoV.
Ayon sa kanila, kung maaari lamang nilang puntahan ang kanilang mga kaanak sa South Korea ay bumiyahe na sila subalit ipagpapaliban muna nila ito bilang bahagi ng pag-iingat sa halip ay tatawagan na lamang nila ang kanilang pamilya.
Pinayuhan din nila ang mga nagbabalak magtungo sa SoKor na ipagpaliban muna ang pagbiyahe.
Sa tala ng gobyerno, nasa 88,000 ang naninirahang Koreano sa Pilipinas na karamiha’y nasa Metro Manila.
By Drew Nacino