Nagtungo pa rin ang ilang deboto ng itim na Nazareno sa Quiapo Church ngayong araw.
Ito ay sa kabila ng pagkansela sa tradisyonal na traslacion dahil sa pagsirit sa naitatalang kaso ng covid-91 sa bansa.
Ayon kay Manila Police District 3 Commander Police Lieutenant Colonel John Guiagui, inaasahan na nilang may mga deboto pa rin ang magtatangkang pumasok sa mga saradong kalsada malapit sa Quiapo church.
Pero agad naman daw nilang pinapaalis ang mga deboto na kanilang nakikita.
Aniya, sinasabihan na lamang nila ang mga ito na sabayan ang isinasagawang onlie mass sa kanilang mga tahanan.
Maliban dito, naglagay rin sila ng mga tarpaulin na nagpaalalang may online masses ang nasabing simbahan.
Matatandaan kahit na may pandemya, aabot sa 300 libong mga deboto ang pista ng Nazareno noong 2021. –Sa panulat ni Abie Aliño