Kinansela ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon dulot parin ng epekto ng bagyong Agaton.
Sa huling abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela ang nasabing mga biyahe kabilang na ang flight 5J483 Cebu Pacific na Manila-Bacolod at ang return flight nito na MJ484; Cebu Pacific flight 5J891 at 5J892 na biyaheng Manila-Caticlan-Manila; at CebGo flight BG6177 at BG6178 na biyaheng Manila-Masbate-Manila.
Pinapayuhan naman ang lahat ng apektadong mga pasahero na makipag-ugnayan sa mga kumpaniya ng Airlines para sa kanilang re-booking o re-fund. —sa panulat ni Angelica Doctolero