Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang ilang bahagi ng Leyte at Cebu City kaninang alas-7:56 ng gabi.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng lindol sa layong walong kilometro, silangan ng Ormoc City.
May lalim itong 9 na kilometro at Tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity 4 sa Ormoc City, intensity 3 sa mga bayan ng Villaba at Pastrana sa Leyte, at intensity 2 sa Cebu City.
Inaasahang magdudulot ng aftershock ang naturang pagyanig.
By: Meann Tanbio