Humingi ng paumanhin ang kumpaniyang Nike sa Pinoy fans ng NBA superstar na si Lebron James.
Ito’y dahil sa hindi na matutuloy pa ang Manila leg ng Lebron Tour na nakatakda sana ngayong araw.
Ayon sa Nike, kinailangan nilang kanselahin ang nasabing biyahe ni Lebron dahil sa ilang aberya na dapat nilang ayusin.
Gayunman nangako ang Nike na kanilang ire-re schedule ang nasabing biyahe sa hinaharap.
Nakatakda sanang gawin ang Battle of the Doubt Night at isang press conference sa Smart Araneta Coliseum.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: news.nike.com