Sinimulan nang ipatupad ng Department of Agrarian Reform ang ikalawang bugso ng Comprehensive Agrarian Reform Program sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DAR Undersecretary for Field Operations, Atty. Elmer Distor, ang mga Agricultural land na inisyuhan ng requisite notices of coverage ay nasasakop ng Certificates of Land Ownership Award at kabilang sa mga kuwalipikadong agrarian reform beneficiaries o ARBS.
Kabilang sa mga saklaw ng CARP ang mga dating hacienda sa Isabela, Tarlac at Negros Occidental.
Saklaw din ang Hacienda Reyes sa Quezon Province, dating Hacienda Madrigal sa Cagayan Valley pero may nakabinbin itong boundary dispute, dating Hacienda Looc sa Batangas na mayroon namang exemption case sa Supreme Court at ang dating Yulo landholdings.
Nasa ilalim din ng CARP ang ekta-ektaryang lupain ng pamilya Araneta family sa Isabela; dating Hacienda Roxas sa Batangas maging ang lupain ng pamilya Zulueta sa Isabela. —sa panulat ni Drew Nacino