Pinagbigyan ng International Criminal Court ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang desisyon sa hiling na interim release ng dating pangulo.
Ipagpapaliban ng Pre-Trial Chamber ang paglabas ng desisyon na may kinalaman sa interim release hanggang sa makita nilang sapat na ang kinakailangang dokumento ng defense lawyers ng nasasakdal.
Karamihan ng I.C.C judges ang pumabor sa desisyong ito at tanging si Judge Maria Del Socorro Flores Liera lamang ang tumanggi.
Kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherlands ang dating pangulo dahil sa kinakaharap na kasong crimes against humanity.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave