Ipinagtanggol ni Dabarkads Paolo Ballesteros si Bb. Pilipinas – International 2017 Mariel de Leon sa bashers nito.
Ito ay matapos na mabigo si Mariel na maiuwi ang korona sa Miss International 2017.
Sa panayam ng PEP.ph, sinabi ni Paolo na kalakip na ng mga taga – showbiz ang pagkakaroon ng bashers o haters.
Ngunit paliwanag ni Paolo, hindi makatwiran na batuhin si Mariel ng mga masasakit na salita at paninisi.
Aminado ang Eat Bulaga co – host na nasaktan siya para kay Mariel dahil aniya, naghirap si Mariel na kalabanin ang mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo at pagkatapos nito ay iba – bash pa ito ng kapwa Pilipino.
Bukod dito, binigyang – diin ni Paolo na kaya’t nagdadalawang isip ang mga Pilipinas na sumali sa mga beauty contest ay dahil kapwa Pilipino din mismo ang humuhusga.
Gayunman, hiling ni Paolo ay sana hindi karmahin ang bashers at haters ni Mariel tulad aniya ng mga sinasabi nito kay Mariel.